Monday, March 23, 2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗦𝗔𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗧𝗘 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Cauayan City – Pormal na pinasinayaan ang bagong Social Welfare and Development (SWAD) Satellite Office sa Isabela Provincial Capitol Compound.

Personal na dumalo sa programa sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Governor Rodito Albano III, Congressman Allan Ty, at DSWD Field Office 2 Regional Director Lucia Suyu-Alan.

Ang gusali ay ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela bilang bahagi ng layuning mapalapit sa mamamayan ang mga serbisyong panlipunan ng Department of Social Welfare and Development.

Sa pamamagitan ng bagong tanggapan, mas mapapabilis at mapapadali ang pag-access ng mga nangangailangang Isabelino sa tulong ng pamahalaan, habang nababawasan ang gastos s at oras sa pagbiyahe.

Ayon kay Gatchalian, malaking tulong ang pagkakaloob ng buong gusali upang mas mapatatag ang pagbibigay ng serbisyo publiko alinsunod sa layunin ng administrasyon na ilapit ang gobyerno sa mamamayan.

Samantala, sinabi ni Gov. Albano na mahalaga ang pagkakaroon ng mga lider na may malasakit at nakatuon sa paghahanap ng solusyon para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan.

Facebook Comments