𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗣 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗𝗘 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Ininspeksyon ng lokal na gobyerno ng Dagupan City ang bago at katatapos lamang daanan sa Lasip Grande partikular sa Sitio Banaoang Extension at Sitio Centro Riverside.

Nagkakahalaga ng nasa 10.6 million pesos ang pondong inilaan sa isinagawang road elevation sa naturang bahagi.

Ang mga parte kasing ito ng naturang barangay ang siyang nakakaranas ng lubhang pagbaha na umaabot pa hanggang dibdib tuwing tag-ulan.

Isa rin ang bahagi ito na maituturing sa lungsod na low lying areas o madalas talaga mabaha.

Ang isinaayos na kalsada ay makapagbibigay sa mga residente roon ng mas maayos na daanan at drainage system. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments