𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟, 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢

Planong ipatayo ngayon ang panibagong gusali sa Lingayen District Hospital sa bayan ng Lingayen.

Alinsunod dito, nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Department of Public Works and Highways 2nd PED Pangasinan at DOH Region 1 kaugnay sa pinaplanong proyekto.

Inaasahan naman na nasa isang daan ang magiging bed capacity nito upang mas maraming hospital patients ang matulungan ng naturang imprastraktura.

Samantala, kabilang ang nasabing pampublikong ospital sa iba pang public hospitals sa Pangasinan na tinatrabaho ang pag-angat sa estado o target ang karagdagang level mula sa nananatiling lebel sa kasalukuyan. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments