𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Binuksan na sa publiko ang bagong hanging bridge sa Brgy. Lipit Sur, Manaoag, Pangasinan.

Ang naturang hanging bridge ay may habang 90 linear meters.

Ayon sa Department of Public Works and Highways 2nd District Engineering Office, pinapahintulutan na dumaan ang mga residente at siklista sa hanging bridge ngunit ipinagbabawal ang pagdaan ng mga motorsiklo upang hindi sumobra sa kapasidad ng hanging bridge.

Ito ay nagdurugtong sa barangay Pugaro sa bayan na siyang daan upang hindi na tumawid pa ng ilog ang mga mag-aaral.

Sinimulan ang konstruksyon ng naturang hanging bridge noong Marso ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments