𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗘𝗤𝗨𝗜𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧, 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗣𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗦

Mapapakinabangan na ngayon ang makabagong mga hospital equipment matapos ang turnover nito sa mga pampublikong ospital sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakatanggap ang ilang mga Public Hospital tulad sa Pangasinan Provincial Hospital, Bolingit, San Carlos City ng Ultrasound at X Ray Machines, CT Scan at MRI.

Hatid din sa Lingayen District Hospital ang bagong mobile X Ray, gayundin ang ultrasound at iba pa.

Kabilang ang pamamahagi ng mga naturang kagamitan sa pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa suliranin sa mga public hospitals partikular na sa Out Patient Department at Emergency Room.

Samantala, target din ng mga nasabing pampublikong ospital na makamit ang pag-angat sa estado ng mga ito ng karagdagang level mula sa nananatiling lebel sa kasalukuyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments