𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔

Matagumpay na isinagawa ang Turnover of Command Ceremony para sa bagong talagang Regional Director ng Police Regional Office 1 kahapon sa lalawigan ng La Union.
Pinangunahan ni Philippine National Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang nasabing turn over ceremony para Brig. Gen. Lou Frias Evangelista ang bagong RD ng PRO1.
Ayon kay Brig. Gen Evangelista, isa aniya sa mga pangunahing prayoridad nito ay ang pagpapatupad ng isang strategic approach para sa pag-iwas at solusyon sa mga krimen.

Aniya pa kailangang maglaan ng mga mapagkukunan at mag-deploy ng mga tauhan para sa lahat ng hakbang.
Bahagi ng kanyang seven-point agenda ang pakikisama sa komunidad at aktibong pagsali ng mga kabataan sa pag-iwas sa krimen sa pamamagitan ng pagtatatag ng neighborhood watch group, police-community academy at capacity-building programs.
Layon ni Evangelista na gamitin ang teknolohiya upang ma-optimize ang mga kakayahan sa pagpapatakbo, mapabuti ang paggawa ng desisyon na batay sa data, magtatag ng mas malakas na network ng information chain, at gumawa ng pagbabago.
Magugunita na si Evangelista ang direktor ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) sa national headquarters.
Pinalitan ni Evangelista si Brig. Gen. John Chua, na itinalaga bilang hepe ng Area Police Command (APC) sa Visayas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments