Monday, February 23, 2026

β€Žπ—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—¦π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗑𝗔 π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—’π—Ÿ, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘ 𝗦𝗔 π— π—”π—–π—”π—‘π—œπ—”π—’ 𝗖π—₯π—˜π—˜π—ž 𝗦𝗔 π—₯𝗔𝗠𝗒𝗑, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

β€Ž
β€ŽCauayan City – Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuan sa gilid ng Macaniao Creek sa Barangay Ambatali, Ramon, Isabela ngayong araw ika-23 ng Pebrero.
β€Ž
β€ŽAyon sa inisyal na ulat ng PNP Ramon, isang concerned citizen ang nakakita ng kahina-hinalang palanggana na nakapatong sa sementadong bahagi sa tabi ng sapa.
β€Ž
β€ŽNang kanyang suriin, natagpuan ang isang buhay na sanggol na nakabalot sa itim na pillow case.
β€Ž
β€ŽKinumpirma rin ng pulisya na nakakabit pa pusod ng sanggol nang ito ay matagpuan.
β€Ž
β€ŽAgad na ini-report ang insidente sa pamunuan ng barangay at kaagad namang rumesponde ang mga pulis upang tiyakin ang kaligtasan ng sanggol.
β€Ž
β€ŽDinala ito sa Ramon RHU Birthing Center para mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
β€Ž
β€ŽPatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga taong sangkot sa pag-abandona sa sanggol.
β€Ž
β€ŽNananawagan din ang pulisya sa publiko na makipag-ugnayan kung may anumang impormasyong makatutulong sa kaso.
β€Ž
β€ŽSource: RAMON PS

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments