Para lang maibenta at maipaubos ang mga paninda ng mga tindera at tindero ng mga paputok ngayong taon bagsak presyo na ang kanilang mga paninda.
Sa panayam ng IFM Dagupan sa ilang nagbebenta ng paputok sa mga bayan ng Malasiqui, Calasiao, Sta. Barbara at ng lungsod ng Dagupan at San Carlos ay nagdesisyon silang ibigay nalang sa mas murang halaga kaysa hindi mabenta at masayang.
Anila pag hindi nila ibabagsak presyo o ibibigay sa friendly price o makatarungang presyo ay sila naman ang malulugi.
Dagdag pa nila na maski bumalik lang ang kalahati ng kanilang puhunan ay ayos na sa kanila.
Ang ibang vendors naman ay nagbibigay din ng 10-20% discount para lang makapanmili.
Samantala, ang ibang vendors ay naghahanda sa gagawin nil sa mga hindi naibentang paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨