𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗛𝗢𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡

Cauayan City – Parang normal na araw lamang kung ilarawan ang sitwasyon sa bayan ng Palanan sa kabila ng banta ng bagyong Aghon.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Palanan MDRRMO Officer Glenn Cabaldo, hindi apektado ang kanilang lugar dahil tanging panaka-nakang pag-ulan, paghangin at malakas na alon lamang sa dagat ang kanilang naranasan.

Aniya, walang anumang residente ang nasaktan, walang mga imprastraktura ang nasira, at wala ring mga pananim na nasalanta dahil sa bagyo.


Dagdag pa niya, bagama’t may naranasang pag-ulan ay hindi rin lumaki ang mga ilog sa kanilang lugar at maayos rin ang naging daloy ng trapiko.

Ipinagpasalamat naman nito na hindi naging malala ang naging pagsalanta ng bagyo kaya’t naging maayos ang lagay ng mga mamamayan at walang naitalang anumang insidente sa bayan ng Palanan.

Facebook Comments