𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡; 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧

Patuloy na nararanasan sa mga pamilihan sa Pangasinan ang bahagyang bumabang presyuhan sa bigas dahilan ang dumadaming produksyon nito dahil sa umpisa na ang anihan season.

Sa Dagupan City, nakitaan ng pagbaba ng hanggang dalawang piso sa kada kilo ng bigas at sa kasalukuyan, nasa 48 pesos ang pinakamababang presyo nito.

Naglalaro rin sa ₱50 hanggang ₱54 ang presyo ng locally milled rice, mas mababa kumpara sa presyuhan noong nakaraang buwan na pumalo sa ₱55 hanggang ₱57.

Sa kabila ng anihan season, patuloy ding nararanasan ang epekto ng El Niño Phenomenon, bagay na ikinababahala ng Department of Agriculture (DA) dahil sa malalang epekto nito sa sektor ng agrikultura.

Bagamat apektado ang ilang sakahan, isa ang palay, tiniyak ng DA Region 1 na sapat ang suplay ng bigas sa buong Ilocos Region at nananatiling matatag ang produksyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments