𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜

Nananatili hanggang ngayon ang nararanasang bahagyang taas presyo ng produktong bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ilang mga consumers aminado na hirap na mapagkasya ngayon ang nailalaang budget sa pagbili ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, gulay at karne.
Naglalaro pa rin sa 47 hanggang 49 ang presyo sa kada kilo ng regular milled rice. Pinakamababa ang 45 pesos na hindi kagandahan sa kalidad bagamat mas tinatangkilik ng karamihan.

Daing din ng mga ito ang mataas na presyo ng inilabas ng mga noche buena items kaya ang ilan ay todo tipid daw talaga sa paggastos.
Samantala, inaasahan din ang paggalaw sa iba pang agricultural products tulad ng karne at gulay sa pagsapit ng holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments