𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗜𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

CAUAYAN CITY- Tinupok ng apoy ang isang bahay noong ika-20 ng Setyembre sa Brgy. Magsaysay, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa BFP Alicia, 5:30 ng hapon sumiklab ang sunog kung saan agad namang rumespode ang mga otoridad.

Tumagal naman ng kinse minuto ang naturang sunog at idineklara itong fire out 5:50 ng hapon at mapalad naman na walang nasaktan o nasugatan sa insidente.


Kasalukuyan naman ang isinasagawang assessment para sa pagtukoy ng halaga ng pinsala ngunit ayon sa nakuhang impormasyon sa mga nasunugan tinatayang nasa P400,000 ang halaga ng pinsala.

Samantala, kasalukuyan ang isinagawang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng sunog at tinitingnan ang mga makukuhang physical evidence at impormasyon sa mga witness sa insidente.

Facebook Comments