𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗣𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗢𝗬

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog matapos tupukin ng apoy ang isang bahay sa Urdaneta City.

Naganap ang sunog pasado alas diyes ng umaga sa tahanan ng isang Christian George sa bahagi ng Brgy. Nancamaliran East sa nasabing lungsod.

Naapula naman ang sunog makalipas ang ilang minuto kung saan ay wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Sa ngayon ay inaalam pa ang pinagmulan nito maging ang total na danyos ng nasabing sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments