Umarangkada na ang programang Bakuna Eskwela ng Department of Health sa pakikipag-ugnayan nito sa Department of Education sa iba’t-ibang mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ilang mga public schools sa probinsiya ang nagsimula na sa pagbabakuna Gaya ng Anda, Infanta, Alcala, San Carlos City at Urdaneta City habang mga ibang bayan tulad ng Mangaldan ay inihahanda na rin ang schedule para sa mga eskwelahang pupuntahan ng naturang aktibidad.
Nakatakdang mabakunahan ang lahat ng Grades 1 hanggang 7 ng bakuna laban sa Measles-Rubella, Tetanus-Diphtheria habang ang mga mag-aaral na mga babae sa Grade 4 ay nabakunahan ng laban sa HPV.
Inihayag ni DOH Region 1 Regional Director Paula Paz Sydiongco na ligtas at epektibo ang mga bakuna at libre itong ipamamimigay sa mga estudyante.
Samantala, ang naturang school-based Immunization program ng ahensya ay nag-umpisa noong 2015 sa tuwing Agosto ng taon sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨