𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔, 𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘

Sisimulan na sa Ilocos Norte ang Bakuna Eskwela na siyang taon-taon na isinasagawa sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Sa muling pagsasagawa ng naturang programa, mababakunahan ang mga mag-aaral mula grade 1 hanggang grade 7 para sa Tigdas, Rubella, Tetanus at Diphtheria.

Lahat naman ng babaeng mag-aaral sa Grade 4 ay mababakunahan ng HPV.

Kasama sa uumpisahang aktibidad ang Road to Cervical Cancer and other Vaccine Preventable Disease elimination sa September 27 kung saan pasisimulan ng lokal na pamahalaan ng Laoag sa isang paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments