𝗕𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗘𝗣𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚

Isinagawa ang rigodon sa mga opisyal na nakatalaga sa iba’t-ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Pangasinan, isang araw matapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy.

Nasa labing pitong opisyal ang nare-assigned at narelieved sa kanilang pwesto, epektibo noong ika-9 ng Oktubre.

Ang dahilan ng balasahan ay upang maiwasan ang tinatawag na familiarity at mapaigting ang pantay na pagbibigay serbisyo sa publiko.

Ayon naman sa Commission on elections Pangasinan walang untoward incident na naganap sa walong araw na coc filing matapos ang kooperasyon ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno partikular ang pulisya na siniguro ang seguridad sa opisina ng COMELEC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments