Nalalapit na ang operasyon ng Balay Silangan na magsisilbing reformation facility ng mga indibidwal na apektado ng ilegal na droga tungo sa pagbabalik sa normal na pamumuhay sa Dagupan City.
Kaugnay nito, sumailalim ang mga barangay officials sa BDCP Orientation sa pangangasiwa ng PDEA Provincial Office sa pangunguna ni Pangasinan Provincial Director Retchie Camacho, DILG Dagupan CLGOO Royolita Rosario, Dagupan PNP sa pamumuno ni PLtCol Brendon Palisoc, at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Muli ring nagkaroon ng pag-uusap para sa mga kinakailangan pang ihanda sa mas pinagtibay na Drug Reformation Program sa lungsod ng Dagupan.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan sa kooperasyon ng bawat isa tungo sa pagiging Drug-Free City at ito ay magsisimula sa bawat barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨