𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗖𝗢𝗣𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥

Cauayan City – Nagdagdag ang Cauayan Component City Police Station (CCPS) ng police visibility sa mga kritikal na lugar sa lungsod bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ngayong nalalapit ang Yuletide season.
Ayon kay PLTCOL Avelino D. Canceran Jr., Chief of Police ng Cauayan City, nagdagdag ang CCPS ng mga naka-deploy na pulis sa mga mataong lugar, pangunahing lansangan, at iba pang itinuturing na critical areas upang maiwasan ang anumang kriminalidad at mapigilan ang pagsasamantala ng mga masasamang loob sa holiday rush.
Kasabay ng pinalakas na presensya ng kapulisan, nagsagawa rin ang mga personnel ng CCPS ng OPLAN TAMBULI, na pinangunahan ni Police Corporal Gemma S. Bolima kung saan namahagi ng anti-criminality tips at paalala sa publiko.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga residente, hikayatin ang pagiging mapagmatyag, at palakasin ang ugnayan ng komunidad at pulisya.
Binibigyang-diin ng CCPS na mahalaga ang aktibong presensya ng pulis sa lansangan upang makapagbigay ng agarang tugon sa mga insidente at magbigay ng kapanatagan sa mamamayan, lalo na sa panahong mas abala ang mga pampublikong lugar.
Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ang publiko na makipagtulungan at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang gawain upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong Cauayan City ngayong kapaskuhan.
Facebook Comments