𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa Lingayen Baywalk, kagabi.
Ayon sa pulisya, inireport ng isang lalaki sa tanggapan ng Lingayen Police Station ang pagkakatuklas sa nasabing bangkay pasado 6:33 ng Gabi.
Ayon sa lalaki, naglalakad umano ito kasama ang kaniyang pamilya sa baywalk nang matisod.

Nang tingnan nito ang dahilan ng kaniyang pagkakatisod dito na tumambad ang katawan ng biktima na naka checkered T Shirt at blue na jogging pants.
Ilang oras bago ang insidente kumalat sa social media ang panawagan sa pagkawala ng Isang kolehiyala noon pang September 23,2024.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakatuklas ng bangkay ng babae at kung konektado ito sa pagkawala ng naipaulat na nawawalang kolehiyala kung saan ilang kaanak at kaibigan na ang nanawagan ng hustisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨 𝘿𝙚𝙫𝙚𝙡𝙤𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙎𝙩𝙤𝙧𝙮
Facebook Comments