𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

 

CAUAYAN CITY- Wala nang buhay ng matagpuan ang katawan ng isang estudyante na puno ng paso at pinaniniwalaang sinunog sa Quirino, Bacnotan, La Union.

 

Kinilala ang biktima na si Mark Dave Valdez, 21-anyos, nag-aaral sa Baguio City, at residente ng Pozzorubio, Pangasinan.

 

Ayon sa ulat, isang 56-anyos na drayber ang nakatagpo sa katawan nito sa gilid ng daan.


 

Base sa pagsisiyasat, napag-alaman na ang katawan ni Mark Dave ay tadtad ng galos at sugat at pinaniniwalaang sinunog ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

 

Samantala, humihingi naman ng hustisya ang pamilya ng biktima sa kalunos-lunos na sinapit nito.

Facebook Comments