π—•π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—¬ π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘π—š π—£π—”π—Ÿπ—¨π—§π—”π—‘π—š-π—Ÿπ—¨π—§π—”π—‘π—š 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—§π—”π—Ÿ π—₯π—œπ—©π—˜π—₯, π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Palutang-lutang na bangkay ng lalaki ang natagpuan ng awtoridad sa Pantal River, Dagupan City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita ito ng kawani ng Philippine Coast Guard habang nagpapatrolya sa nasabing kailugan.

Tinukoy ng pinsang lalaki ang biktima na isang 38 anyos at residente ng lungsod.

Ayon sa kanya, nakita itong tumalon sa ilog para maligo at nasa impluwensya ng alak. Dinala pa sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments