𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗡𝗜-𝗥𝗔𝗣𝗘 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚- 𝗜𝗟𝗢𝗚, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Case solved na ayon sa Lingayen Police Station ang krimen na kinasangkutan ng 21 anyos na biktima at estudyante na si Allysa Bolasoc, matapos maaresto ang suspek at marekober ang mga ebidensya sa panghahalay at pamamaslang sa biktima.

Huling nakita si Bolasoc bandang alas onse ng umaga ng March 9 at papunta umano ito sa bahay ng kanyang Lola sa Brgy. Balangobong upang bumisita.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, pauwi bandang alas kwatro ng hapon ang mangingisda na kinilalang si Rowel Rabino nang makita niya ang palutang lutang na katawan ng biktima sa ilog. Inobserbahan niya ito at wala umano itong suot na pang-baba.

Dinala pa ang katawan ng biktima sa Lingayen District Hospital at agad idineklarang pumanaw na.

Sa pagrekober ng mga ebidensya sa crime scene, ilang residente ang tumestigo na nakita nila ang suspek na nakatayo at nagtatago doon sa lugar kung saan papasok iyong biktima. Isa pa rito ang nagsabi na nakita niya sa mismong bahay ng lola ng biktima ang suspek.

Pag-amin naman ng Punong Barangay sa lugar, dati na umanong nasangkot ang suspek sa ganitong insidente kung saan nahuli siyang inaamoy ang mga damit panloob ng babae.

Sa mismong panayam ng IFM News Dagupan sa suspek, inamin nito na matagal na siyang may gusto sa dalaga.

Hiling naman ng naulilang pamilya ng biktima ang tuluyang pagkakakulong ng suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Lingayen ang suspek at mahaharap sa kasong rape at murder. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments