Tumanggap ang 68 na bangus deboners sa lungsod ng Dagupan ng dagdag puhunan mula sa Assisted Livelihood program ng Department of Labor and Employment o DOLE Central Pangasinan.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa Calima Pantal Bangus Deboners Association na mayroong 25 miyembro at Bonuan Gueset Deboners na mayroon 38 na benepisyaryo.
Tinanggap ng mga ito ang mga bagong kagamitan gaya ng freezer, deboning table, food grade fish cutting board, timbangan, ice boxes at marami pang iba.
Maliban sa kagamitan,mayroon ding 860 na kilo ng bangus ang ipinamahagi sa mga ito.
Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang pagsuporta nito sa mga bangus deboners upang mapataas ang kanilang kita at mapalakas ang industriya ng boneless bangus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments