𝗕𝗔𝗑𝗧𝗔 π—‘π—š π—–π—›π—’π—Ÿπ—˜π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—žπ—”π—§π—”π—ͺ𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗧𝗔𝗒, π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π—‘π—š 𝗔π—ͺ𝗧𝗒π—₯π—œπ——π—”π——

Muling nagbigay ng paalala ang awtoridad sa banta ng Cholera sa katawan ng tao.

Sa inilabas ng Pangasinan PDRRMO, dapat umanong malaman ng mga Pangasinense kung paano maiiwasan ang cholera.

Dapat na alamin ng mga ito kung saan nagmumula ang mga pinagkukunan ng ginagamit na tubig at mainam kung ito ay pakukuluan bago inumin.

Lutuin rin ng mabuti ang mga pagkain inihahain at takpan ito ng mabuti kung hindi mauubos.

Ugaliin rin na malinis ang buong kapaligiran at tinatapon sa tamang basurahan ang mga kalat.

Dapat rin na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at paggamit ng sabon at malinis na tubig.

Samantala, ang cholera ay isang sakit na nagdudulot ng labis na pagdudumi, pagsusuka, at dehydration sa oras na makainum ng kontaminadong tubig. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments