𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗣𝗧𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟

Patay ang isang Barangay Captain matapos itong pagbabarilin sa bayan ng Mangaldan.
Kinilala ang biktima na si Poblacion Mangaldan Barangay Captain Melinda Tonet Morillo, na kakapanalo lamang para sa kanyang ikalawang termino bilang kapitan ng nasabing Barangay.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon at nakuhang impormasyon ng IFM Dagupan, sakay ng kanyang SUV ang kapitan kagabi ng ito ay paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Brgy. Tebag sa nasabing bayan.

Dahil dito ay nagtamo ng mga tama ng bala ang kapitan partikular sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments