Friday, January 30, 2026

𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗧𝗖𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Positibong nasamsaman ng mga baril at bala ang isang butcher sa Brgy. Minanga, Aparri, Cagayan sa pagpapatupad ng search warrant ng mga awtoridad.

Ang suspek ay kinilalang si Alyas “Jerry”, 40-anyos, isang butcher, at residente ng nabanggit na barangay.

Ang nabanggit na search warrant ay kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa operasyon, naaresto ang suspek at nakumpiska ang iba’t ibang non-drug evidence, kabilang ang isang .22 caliber revolver na may anim na bala, isang .357 Magnum revolver na may anim na bala, sari-saring bala ng .22, .38 at .357 caliber, isang basyo ng bala, mga pouch at bag, at dalawang piraso ng glass pipe na may kasamang lighter at improvised tooter.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensya sa Aparri Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments