𝗕𝗔𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Patay matapos malunod ang isang limang – taon gulang na bata sa isang resort sa Barangay Nagsaing sa bayan ng Calasiao, kamakailan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay residente ng Barangay Lumbang.

Diumano napansin ng isang concerned citizen ang bata na nalulunod sa swimming pool ng resort habang ang tatay umano nito’y nakikipag-inuman sa mga kaibigan nito nang hindi niya napansin na ang kanyang anak ay nalulunod na.

Samantala, itinakbo ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments