𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗖𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗫, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ang bawal na pagkakalat at pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar sa loob ng Lingayen Capitol Complex.

Ito ay base sa Provincial Ordinance No. 322 kung saan sno mang magkakalat o magtatapon ng basura sa loob ng naturang capitol complex ay magbabayad ng karampatang multa.

Pagbabayarin ng limang daang piso ang lalabag para sa 1st offense at isang libong pisong multa naman para sa 2nd offense.

Sa ikatlong pagkakataon na paglabag ay magbabayad ng halagang isang libo at limang daang piso bilang karampatang multa.

Patuloy na paalala ng awtoridad na ugaliing linisin at huwag mag-iiwan ng anumang kalat sa oras na bumisita sa mga pampublikong lugar tulad sa kapitolyo ng Lingayen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments