𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟰𝟬𝟬𝗞

Umabot na sa 426, 718 ang benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment Region 1.

Ang TUPAD ay may layuning mabigyan ng temporary employment ang mga residenteng naapektuhan ng krisis.

Sa ilalim naman ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program umabot na sa 16,733 na katao mula sa indigent at kabilang sa vulnerable sector na nabigyan ng pagkakataong makapag-umpisa ng sariling negosyo.

Tiniyak ng DOLE R1 na magpapatuloy ang mga programang ito alinsunod na rin sa nilagdaan ni PBBM na Trabaho Para sa Bayan Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments