𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢

Nananatili pa rin sa bente pesos ang kada kilo ng produktong kamatis na ibinibenta ng ilang vegetable vendors sa ilang pamilihan sa Dagupan City.

Nitong nakaraan buwan lamang, naranasan ang pagbagsak ng presyo ng naturang produkto kung saan umabot pa sa ₱10 hanggang ₱15 ang kada kilo nito kung saan pinauubos na lamang ng ilang mga vendors nang sa gayon ay maiwasan ang pagkabulok ng mga ito at hindi masayang.

Malaking bahagi sa presyo ng kamatis ang nabawas ngayon kumpara dati na naglalaro pa sa 80 pesos hanggang ₱100 ang kada kilo nito.

Maging ang farmgate price nito sa lalawigan ay nasa ₱20 ang kada kilo, ayon sa latest update ng Department of Agriculture Ilocos Region.

Sa ngayon, tuloy pa rin naman ang bentahan ng kamatis sa mga pamilihan sa lalawigan at patuloy pa rin na binibili ng mga konsyumer nang siyang nagagamit rin nila umano sa ibat-ibang ulam na maaari nilang gawin at ihain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments