𝗕𝗙𝗔𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗢𝗨𝗧𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗𝗔

Kinilala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Field Office 1 sa kanilang regional level banner program na Malinis Masaganang Karagatan (MMK) : Search for the Most Outstanding Coast Community bilang unang parangal ang bayan ng Anda

Layunin ng naturang banner program ng BFAR na kilalanin at magbigay ng incentives sa mga lokal na pamahalaan na patuloy na nagpapaunlad sa larangan ng pangisdaan at pagbibigay halaga sa karagatan.

Makakatanggap ng cash incentive na P2, 000,000 ang bayan ng Anda bilang unang parangal sa naturang pagkilala. Personal na tinanggap ng alkalde ng bayan ang paunang premyo mula sa opisina ni BFAR 1 Regional Director Rosario Gaerlan.

Ayon sa alkalde, sumasalamin ang pagkakapanalo ng Anda sa patuloy na pagkilos ng kanilang pamahalaan upang mapangalagaan ang coastal waters na sakop ng Anda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments