𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗣𝘀 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝟭𝟭𝟰

Maari nang makaboto sa susunod na eleksyon ang 114 na miyembro ng Indigenous People sa bayan ng San Nicolas matapos isagawa ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang special voter’s registration dito.

Ang mga nagparehistrong IPs ay mula sa Barangay Malico, Fianza at San Felipe East na miyembro ng Kankanaey, Kalanguya at Iwak Tribe.

Ayon kay COMELEC Provincial Supervisor Atty. Marino Salas, layunin ng hakbanging ito na maipadama sa kanila na sila ay parte ng gobyerno at demokrasya, at nang isinagawa nila ang karapatang pumili ng pamamahala sa bansa.

Inaasahan naman ng mga IPs sa mga nabanggit na barangay na magkakaroon ang mga ito ng sariling polling precinct sa kadahilanang dumarami na ang mga IPs dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments