Umakyat na sa 211 pamilya o katumbas ng 630 indibidwal ang bilang ng mga apektadong indibidwal sa La union dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Carina.
Sa pinakahuling tala ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 94 pamilya sa naturang bilang na katumbas ng 237 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers habang 117 pamilya o 393 indibidwal ang binabantayan sa labas ng evacuation centers.
Samantala, not passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang Luna-Bangar Road hanggang Sto.Domingo Norte, Luna at San Fernando Bypass Road Extension dahil sa pagbaha sa abiso ng 1st District Engineering Office.
Patuloy na pinaigting ng La Union PDRRMO ang ugnayan sa mga bayan at barangay sa monitoring ng antas ng lebel ng tubig dahil sa pag-uulan bunsod ng habagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨