𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟰𝟱𝗞

Umabot na sa halos 45,000 na indibidwal o katumbas nito ang 13, 105 na mga pamilya na mula sa lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte ang apektado ng bagyo sa Ilocos Region.

Nakapagtala na rin ng higit pitumpung mga pamilya ang inilikas na sa mga evacuation centers.

Kaugnay nito, tuloy tuloy din ang ibinibigay na tulong ng DSWD FO1 para sa mga apektadong residente ng dalawang lalawigan.

Bagamat nakaalis na sa PAR ang bagyo ay inaasahan pa rin ang pagbabalik nito sa bukas ng hapon o gabi.

Paalala ng awtoridad, huwag maging kampante ang paghandaan ang maaaring epekto ng bagyo sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments