𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔

Pumalo na sa halos isang daan ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay base sa monitoring na isinasagawa ng Provincial Health Office.

Sa datos na ipinadala sa IFM News Dagupan, nasa siyamnapu’t tatlo na ang bilang ng mga biktima ng paputok sa buong lalawigan hanggang January 2.

Mas mataas ito ng ng dalawampu’t tatlo kumpara sa pitumpong naitala noong nakalipas na taon.

Halos lahat naman ng mga biktima ng paputok sa Pangasinan ay nakauwi na at tatlo na lang ang nananatiling naka-confine.

Kwitis ang pinakamadaming naitala na nabiktima na sinusundan ng Fountain at Boga kung saan ay apat na taong gulang ang pinakabata at sesenta ‘y sais anyos naman ang pinakamatanda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments