Tumaas ng 39% ang bilang ng fully immunized children (FIC) sa lalawigan ng Pangasinan matapos na ilunsad ang programang Big Catch-Up ayon sa Department of Health – Center for Health (DOH-CHD) R1.
Sa datos ng kagawaran, kung ikukumpara noong 2023 na nasa 35% ang naitalang FIC habang tumaas rin sa 30% ang mga FIC sa Dagupan City mula sa 23% noong 2023.
Ang programang Big Catch-Up ay inilunsad upang maihabol ang mga batang dapat mabigyan ng unang dose at nararapat na mukmpleto ang bakuna.
Sa buong Ilocos Region, mula January hanggang July 2024, nasa 4% hanggang 8% ang itinaas ng porsyento ng FIC mula ng mailunsad ang naturang programa ng kagawaran.
Umaasa naman ang kagawaran na mas mapatataas pa ang bilang ng mga fully immunized children sa rehiyon sa pamamagitan ng mga susunod pa nilang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨