Pumalo sa higit isang daan o kabuuang 124 ang bilang ng naitalang kaso ng Dengue sa buong Region sa nakalipas lamang na buwan ng Enero ngayong taon base sa datos ng Center for Health Development 1.
Tatlumpu’t-isang (31) kaso ng sakit ang naitala sa Ilocos Sur, labingpito (17) sa La Union at apat (4) sa Ilocos Norte.
Pinakamataas na may naitalang kaso ng Dengue ang lalawigan ng Pangasinan kung saan pumalo ito sa pitumpu’t-dalawa (72).
Matatandaan na kinumpirma rin ng Pangasinan Provincial Health Office ang isang nasawi sa lalawigan dahil sa naturang sakit.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng health authorities na magpakonsulta kung makaranas ng sintomas ng dengue upang maagapan at hindi humantong sa komplikasyon at malalang kondisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments