Nagpapatuloy ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa mga alagang hayop sa Dagupan City.
Ayon kay Dr. Daniel Paolo Garcia, Veterinarian III ng City Veterinary Office, patuloy umano ang kanilang pagsasagawa ng anti-rabies vaccination sa 31 barangay ng lungsod upang paigtingin ang kampanya kontra rabies.
Sinabi nito na Nasa higit 13,000 na mga aso at pusa ang nabakunahan ng anti-rabies sa lungsod ngayong taon.
Maliban sa bakuna Ilan pa sa mga serbisyo ng ahensya ay ang consultation at pagbibigay ng gamot sa mga alagang hayop.
Nagpaalala rin ito sa mga nag-aalaga ng hayop na maging responsable dahil sa mga ulat ng Pag atake ng mga asong hindi nakatali. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments