𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡, 𝗗𝗨𝗠𝗢𝗕𝗟𝗘, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗚𝗨

Dumoble ang bilang ng mga tao na nagtungo sa bayan ng Manaoag nitong kapaskuhan.

Ito mismo ang kinumpirma ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario sa naging panayam ng ifm dagupan.

Ayon sa opisyal, kitang-kita ang dagsa ng mga tao nitong katatapos na pagselebra ng kapaskuhan kung saan ay inaasahan na magpapatuloy ito hanggang sa bagong taon.

Ayon pa sa alkalde, bagamat nagkaroon ng trapiko dahil sa dami ng mga tao at sasakyan na nagtungo doon ay manageable naman aniya at nakausad naman ang mga ito.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga nakiisa na gawing masaya ang selebrasyon ng Pasko sa kanilang bayan at inaasahang magpapatuloy ito ngayong bagong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments