Isa sa binabantayan ng health authorities sa lalawigan ng Pangasinan ang bilang ng mga naitatalang adolescent birth rate o teenage pregnancy.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dr. Cielo Almoite, edad 10-14 ay may naitalang 23 na kaso ang nabuntis habang ang edad 15-19 naman ay may 1,627, na may kabuuang 1,650 na kaso hanggang ikatlong quarter ng 2023.
Mababa ang kaso ngayong taon kung saan nasa 1,712 ang naitala ng ahensya sa parehong edad.
Matatandaang aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ang isang ordinansang Teen Pregnancy Reduction Program sa probinsiya.
Component ang Adolescent Health and Youth Development Program sa ilalim ng Family Health Cluster ng Provincial Health Office.
Layunin ng programang ito upang mapababa ang mga naitatalang kaso ng maagang pagbubuntis sa probinsiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments