Pumalo na sa labing pito ang bilang ng nasawi sa Pangasinan dahil sa dengue.
Sa tala ng Pangasinan Provincial Health Office, labindalawa sa mga nasawi ay nasa edad walong buwan hanggang labing tatlong taong gulang.
Sa kasalukuyan nasa 2,816 na ang kaso ng dengue sa probinsiya na halos doble mula sa naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Tinutukan ngayon ng PHO, ang bayan ng Urbiztondo na siyang nakapagtala ng maraming pagkamatay dahil sakit sumusunod ang Bayambang, San Carlos City at Bautista.
Dahil dito, nanawagan ang health authorities na pag-ibayuhin ang mga hakbang upang masugpo ang mga pinangingitlugan ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments