𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗥𝗘𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 -𝗣𝗘𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗔𝗣𝗘𝗥 𝗧𝗘𝗦𝗧 (𝗖𝗦𝗘-𝗣𝗣𝗧) 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝟭,𝟴𝟵𝟵

Umabot sa 1,899 ang bilang ng mga pumasa sa isinagawang Career Service Examination -Pen and Paper Test o CSE-PPT sa Ilocos Region na ginanap noong ika-11 ng Agosto.

Sa naturang bilang 1, 648 rito ang nakapasa sa Professional Level at 251 naman sa Subprofessional Level ayon sa datos ng Civil Service Commission (CSC).

Nanguna ang National Capital Region sa may mataas na passing rate sa mga nakapasa na nasa 18. 96%.

Ang pagkakaroon ng Professional Eligibility ay daan upang makakuha ng permanenteng appointment sa clerical at technical position sa career service at sa subprofessional naman ay angkop sa clerical position. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments