Sunday, February 1, 2026

‎𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗗𝗔𝗞𝗜𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡

Cauayan City — Matagumpay na nadakip ng mga awtoridad ang isang indibidwal na hinihinalang sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Cabagan Municipal Police Station (MPS), kahapon ika-31 ng Enero sa Brgy. Ngarag, Cabagan, Isabela.

‎Kinilala ang suspek sa alyas na “Damian,” binata, corn agent at residente ng Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela.

‎Naaresto si alyas “Damian” matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer.

‎Nasamsam mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at dalawang ₱1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

‎Ayon sa pulisya, agad na isinailalim sa wastong marking at inventory ang mga ebidensya sa presensya ng mga kinatawan ng pamahalaan upang masiguro ang integridad ng operasyon.

‎Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

‎Samantala, pinangunahan naman ng Cabagan Police Station ang operasyon katuwang ang Provincial Intelligence Unit at sa koordinasyon ng PDEA Region 2, na nagpapakita ng mas pinaigting na ugnayan ng mga ahensya sa pagpapatupad ng batas.

‎Source: CABAGAN PNP

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments