𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗗𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog sa ikinasang buy bust operation ang isang treinta y tres anyos na binata sa bayan ng Anda.

Ang suspek ay nakilalang si Rudy Dispo isang street level individual sa usapin ng illegal drugs sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas otso ng umaga sa Brgy. San Jose sa nasabing bayan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments