Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng pagpapakamatay ng isang bente singko anyos na binata sa Dagupan City.
Nakita ang nakabigti na katawan ng biktima sa kwarto ng kanilang bahay ng kanyang mismong tatay pasado alas onse ng tanghali.
Ayon sa imbestigasyon, titignan lang sana ng tatay nito ang biktima dahil sa ito ay lasing subalit nagulat na lang sila ng makitang nakabigti na ito.
Nagawa pa itong isugod sa pagamutan subalit binawian din ng buhay habang ginagamot.
Sa ngayon, blangko pa ang pamilya sa pagpapakamatay nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng kanyang pagpapakamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments