Iginiit ni 4th District Board Member Jerry Rosario ang main author ng Provincial Ordinance 325-2024 o ang mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest ng mga motorista na ito ay para sa kanilang proteksyon sa kabila ng mga haka hakang sa una lamang ang implementasyon nito.
Ayon kay Rosario, hindi ginawa ang naturang ordinansa upang makakuha lamang ng penalty bagkus ay nais tugunan ang tumataas na kaso ng aksidente na sangkot ang mga motorsiklo.
Aniya, umaabot sa 1,600 na aksidente sa motorsiklo ang naitatala sa kada taon sa lalawigan kung kaya’t kinakailangan itong tugunan para sa kapakanan ng mga Pangasinense.
Nilinaw din ni Rosario na hindi na palawigin ang full implementation nito kundi magdaragdag lamang ng naturang probisyon upang masiguro ang effectivity ng ordinansa.
Sa ilalim ng ordinansa may kapangyarihan ang kapulisan at traffic bodies ng bayan at siyudad na magpatupad at manghuli sa mga lalabag dito simula bukas, ika-15 ng Agosto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨