
Cauayan City – Tinupok ng apoy ang isang bodega sa Brgy. San Jose, Aurora, Isabela ngayong araw, ika-15 ng Enero taong kasalukuyan.
Ayon kay Fire Inspector Jerwin Ramirez, Acting Municipal Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) Aurora, sinabi nitong isang concerned citizen ang pumunta sa kanilang opisina upang ipaalam ang insidente.
Dahil dito, agad na rumesponde ang kanilang opisina katuwang ang mga BFP ng San Manuel, Cabatuan, Magat Fil-Chinese Volunteer, at iba pang volunteers mula sa ibang bayan.
Batay sa paunang imbestigasyon ng BFP Aurora, nagsimula ang sunog matapos mag-overload ang generator set na ginagamit ng may-ari ng bodega dahil sa pansamantalang power interruption.
Sa kabutihang palad umano ay may fire wall ang bodega kung kaya’t hindi nadamay ang tindahang katabi nito.
Ibinahagi rin ni Fire Inspector Ramirez na tumagal ng halos isang oras ang pag-apula nila sa apoy dahil na rin gawa sa flammable at light materials ang bodega.
Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng BFP Aurora para malaman ang kabuuang halaga ng natupok ng apoy.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










