𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗧𝗨𝗥𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗙𝗥𝗘𝗘

CAUAYAN CITY- Nananatiling dengue free ang Brgy. Turayong sa kabila ng pagkakaroon ng kaso nito sa ilang Barangay sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Committee on Health Danilo Marquez, bagama’t wala pang naitatalang kaso ng dengue sa lugar ay hindi pa rin sila maaaring maging kampante.

Aniya, isa sa mga hakbang na pinaplanong ilunsad ng barangay upang mapanatiling dengue free ang kanilang nasasakupan ay ang pagsasagawa ng fogging o pag-spray ng gamot laban sa lamok sa mga kabahayan.


Bukod dito, mahigpit rin na pinapaalalahanan ang mga residente na panatilihin laging malinis ang kanilang bakuran at kapaligiran upang hindi matamaan ng nakamamatay na sakit na ito.

Facebook Comments