𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗖𝗛𝗘 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗘𝗠𝗦, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Naghahanda na ang ilang mga consumer sa Dagupan City ng kanilang budget para sa pagbili ng noche buena items pati na rin ng iba pang kakailanganin para sa holiday season.
Kahit pa umano ilang beses nakaranas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga consumer ngayong taon ay di umano nila kaliligtaan ang paghahanda sa araw ng pasko at bagong taon bilang pasasalamat na nalampasan pa rin nila ang isa pang taon.
Kanya kanya ng budget planning ang ilan, tulad ng paglilista ng mga importante at dapat lamang na bilhin at maging maagang pagtingin sa mga price list na ilalabas ng DTI ng sa gayon ay saktong mapaghandaan ang kanilang mga bibilhin.

Samantala, nakatakdang ilabas ngayong linggo ng DTI ang suggested retail price ng mga noche buena items maging pagsisiguro na tatalima ang lahat ng mga pamilihan sa presyong itatakda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments