𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟

Cauayan City – Tagumpay na naisagawa ang Buntis Congress 2024 sa bayan ng San Manuel Isabela.

Ang naturang aktibidad ay isa sa programa ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel, Department of Health, at Rural Health Unit kung saan layunin nito na mas madagdagan pa ang kaalaman ng mga kababaihang nagdadalang tao hinggil sa ligtas na pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak.

Pinangunahan ni OB-Gynecologist/Perinatology Dra. Kristine Alvarado-Bartolome ang paghahatid ng kaalaman at mga impormasyon kaugnay sa malusog na pagbubuntis gayundin sa family planning.


Bukod pa rito, namigay rin sila ng mga kagamitan para sa mga sanggol kapag sila ay naisilang na.

Facebook Comments